October 3 I @AngPagsibol
Iginiit ni Albert Ryan Eliseo, guro at topnotcher sa Licensure Examination for Teachers (LET), na hindi lamang husay sa pagsusulat ang kailangan sa pamamahayag kundi pati ang tapang na panindigan ang katotohanan.
Para kay Eliseo, mahalaga sa pagsusulat ang pagsasaalang-alang hindi lamang sa sariling damdamin kundi pati sa nararamdaman ng ibang tao.
“I realize that writing is not just about what you feel but it is also about how others feel,” saad ni Eliseo.
Hindi rin umano nasusukat sa husay sa paggamit ng mga salita o pagbuo ng mga kuwento ang pagiging mahusay na mamamahayag. Sa journalism, mahalaga rin ang pagbibigay ng katotohanan.
Binigyang-pansin ni Eliseo ang mga hamong kinahaharap ng ilang school paper, kabilang ang mga pagkakataong nasuspinde ang mga ito at nalimitahan ang kanilang karapatang magsalita tungkol sa ilang kontrobersyal na usapin.
Sa ganitong kalagayan, kailangan umano ng mga mamamahayag hindi lamang ang kasanayang magsulat at magsabi ng katotohanan kundi pati ang tapang na harapin ang mga taong may ibang pananaw.
“In journalism it is not just about having the voice to speak about it but also having the courage to face the consequences of speaking about it,” ani Eliseo.