Balante, ibinahagi ang opinyon sa shooting Indcident sa Banga NHS

October 3 I @AngPagsibol

Inilahad ni Jonh Cris Ulysses Balante ang kanyang saluubin sa naganap na pamamaril ng isang 16-anyos sa Banga National High School sa South Cotabato.

Ayon Kay Ulysses, kasalanan ng mga magulang kung bakit nagkakaganto ang mga bata dahil hindi nila ginagabayan at tinuturuan ng maayos patungo sa wastong kaisipan ang kanilang mga anak.



"Shiity parents" Saad ni Ulysses dahil sinisisi pa raw ng ibang mga magulang ang mga online games kagaya ng Roblox,Call of Duty, Mobile Legends at iba pang laro na may karahasan kaya nagkakaroon ng shooting Incidents.

Dagdag ni Ulysses, ang maipapayo niya raw sa mga magulang na ayaw magaya ang kanilang mga anak sa mga batang sangkot sa mga pamamaril ay pagbawal nila ang kanilang mga anak na maglaro ng mga online games na may karahasan.

Sa huli, pinapalinawan ni Balante na para sa kanya hindi ang online games at ang pagka addict sa online games ang dahilan ng lahat kundi ang pagkawalang bahala ng mga magulang dahil hindi nila pinapuyuhan ng tama ang kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top