Paghahanda sa El Niño pinaunlakan ni Eliseo

October 3 I @AngPagsibol

Binigyang-diin ni Albert Ryan Eliseo, guro at topnotcher sa Licensure Examination for Teachers (LET), ang kahalagahan ng paghahanda at pag-aangkop sa posibleng epekto ng El Niño sa pagkain at pag-aaral ng mga estudyante.

Mahalaga ang sapat na pagkain sa mga mag-aaral dahil maaaring mahirapan silang mag-aral kapag nakararanas ng gutom o kakulangan sa sustansya. “Paano ka naman mag-aaral ng maayos kung gutom ka, kung masakit yung tiyan mo or may sakit ka kasi nga hindi mo nakukuha yung sustansya na kinakailangan sa pang-araw-araw,” ani Eliseo.

Sa harap ng posibleng pagbabago sa suplay ng pagkain, iminungkahi ni Eliseo ang pag-asa rin sa ibang pinagkukunan ng carbohydrates gaya ng mga root crops tulad ng kamote at iba pang pananim.

Hindi man mapipigilan ang El Niño bilang natural na phenomenon, maaari namang mabawasan ang epekto nito sa pamamagitan ng paghahanda at pag-aangkop.

“What we need to do is prepare for it, and we need to be adaptable to the changes,” saad ng guro.

Bilang bahagi ng kaniyang environmental advocacy, nagbibisikleta si Eliseo patungo sa paaralan na ginagawa rin niya para mapanatili ang kaniyang fitness.

Ipinakita ni Eliseo na maaaring magsimula ang environmental advocacy sa mga simpleng gawain sa araw-araw, habang hinihikayat ang mga estudyante na maging handa sa mga pagbabagong maaaring makaapekto sa kanilang pagkain at pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa gitna ng posibleng epekto ng El Niño, nananatiling mahalaga ang pagiging handa at adaptable upang makayanan ang mga hamong maaaring idulot nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top